Lunes, Setyembre 19, 2016

Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapwa

Image result for Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapwa

                

                      Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapwa


         Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba na naipakikita niya sa kaniyang kapwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo, at walang pasubali ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito.

       Paghahanap ng kahulugan ng buhay. Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ng makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay sapagkat walang taong nag iisa sa mundong ito mga makakasama mo sa paglalakbay. Una paglalakbay kasama ang kapwa dahil sa buhay ng tao natural ng may kasamang tao o kapwa bigyan ng halaga ang mga kasamang tao sa ating buhay o lugar sapagkat ang bawat isa ay may resposibilidad  na haharapin  sa isat isa kaya kahit ano pang gawin mo may paninindigan tayo sa isat isa sa ayaw mo man o sa gusto. Bilang isang mabuting tao. Ikalawang paglalakbay kasama ang Diyos. Ang Diyos ay laging  nandyan na makakasama natin sa mga problema o pagsubok , na tutulong sa atin sa buhay bigyan natin ng pagmamahal ang Diyos sapagkat sa mundong ito ang Diyos lang ang dapat  na pinakamamahal natin dahil ang pag-ibig ng Diyos ay walang kapantay ipaubaya natin sa Diyos ang ating mga buhay upang makasiguro tayo laging ligtas. Ang buhay natin ay nasakanyang mga kamay. Magkaroon tayo ng mataas na pananampalataya, laging sundin ang mga nais nya. Magtiwala at mamangha sa kanya. 
      Ngutin tandaan hindi sa lahat ng oras ay magiging maayos o maganda ang paglalakbay natin, maaaring maraming beses na tayo ay madapa, maligaw, mahirapan, at masaktan ngunit ang mahalaga ay huwag tayong bibitiw o lalayo sa ating mga kasama sa paglalakbay. Ang barayti ng wikang ginamit ko ay IDYOLEK sapagkat sariling wikang ang aking ginamit. At ang tungkulin ng wikang ginamit ko ay Personal,Heuristik, at Informativ.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento