Lunes, Setyembre 19, 2016

Ang Angkop Bilang Makatarungan

                             Ang Angkop Bilang Makatarungan
 

Image result for Ang Angkop Bilang Makatarungan
     

       Ang paggawa nang hindi ayon sa angkop ay nagbubunga ng pagkasira. Sinisira nito ang kaayusan ng sarili, kapuwa, at kapaligiran gawa ng pagmamalabis. Kawalan ng katarungan ang tawag sa pagkasirang ito. Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng katarungan, subukin nating pagmunihan ang salitang “tarong” o “tarung” sa bisaya na tila salitang ugat ng “katarungan” Ang “tarong” tulad ng sa kasabihang “Magtarong gyuka” ay nangangahulugang “umayos,” “magmatino” “magpakabuti.” Saklaw ng salitang “tarong” ang iba-ibang antas ng kabutihang pinag-aaralan na sa mga naunang baiting ng Edukasyos sa pagpapakatao. Ang paglalagay sa ayos sa likas na batas moral, at ang makataong pakikipag kapuwa. Sa makatuwid, ang pagiging makatarungan (makatarung-an) ay pagpanig sa kabutihan paglagay sa ayos, at pagiging matino sa pag-iisip at pakikiugnay. Para ring sinasabi ng “Magtarong gyud ka!” na maging makatarungan ka! Ito ang pinaka angkop na bunga ng pag-aangkop na magagawa ng tao.
      Ang paggawa ng tama ay nararapat lamang sa tao. Natural lamang ito dahil nang galling tayo sa Diyos. Karaniwan sa mga taong nakakagawa ng kamalian o kasalanan ay mga mangmang sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa at tama. Mga tumutulong upang magkaroon tayo ng kaalaman. Una ang pamilya natin sapagkat sa pamilya nag uumpisa ang lahat ng kaalaman ng tao, at ugali ikalawa Paaralan sapagkat may mga gurong magtuturo sa atin upang magkaroon ng kaalaman ang mga guro rin ang tumatayong mga magulang ng mga estudiyante kapag tayo ay na sa paaralan. Ikatlo Simbahan sapagat ang simbahan ay tahanan ng Diyos at ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng kaalaman sa araw-araw na buhay
      Ang barayti ng wikang ginamit ko ay IDYOLEK sapagkat sariling wikang ang aking ginamit. At ang tungkulin ng wikang ginamit ko ay Personal,Heuristik, at Informativ.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento