Lunes, Setyembre 19, 2016

Ang barbero at ang bata

                                    Ang barbero at ang bata
 

Image result for barbero at ang bata
       

         Ang kwentong ito ay patungkol sa Diyos, maraming tao nabinibiyayaan na ng Diyos, subalit imbis na mag pasalamat naghahangad pa ng iba, hindi manlang naisip na hindi nag kulang ang Diyos sa atin sapagkat binibigay ng Diyos ang ating mga pangangailangan sa buhay, Siguro nga maraming pagsubok sa darating sa ating buhay pero ang Diyos ay nandyan lang para sa atin upang tulungan tayo sa lahat ng sitwasyon. Kahit kalian hindi nagkulang sa ating ang Diyos na sa tao nalang talaga kung paano ito tatanggapin.
         Ang Diyos lagging nandyan para satin, sabi nga nila kalimutan at iwanan kana ng lahat pero ang Diyos nandyan lang parati sa ating mga tabi. May mga paraan tayong upang mag karoon ng kumonikasyon sa Diyos. Una Pagdarasal sapagkat ang pananampalataya natin ang susi sa lahat ng problema. Ikalawa Pagsimba sa tuwing magsisimba tayo lagi nating bubuksan ang ating puso at isipan sa mga aral na matututunan. At ikatlo paraan ay pagbabasa ng bibliya na kung saan maraming tayong matututunang aral mula sa Diyos ang kailangan lang natin ang mag maniwala at mag tiwala upang mamangha sa mga bagay na bubuhayin sa atin ng Diyos.
        Ang barayti ng wikang ginamit ko ay IDYOLEK sapagkat sariling wikang ang aking ginamit. At ang tungkulin ng wikang ginamit ko ay Personal,Heuristik, at Informativ.

Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapwa

Image result for Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapwa

                

                      Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapwa


         Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba na naipakikita niya sa kaniyang kapwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo, at walang pasubali ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito.

       Paghahanap ng kahulugan ng buhay. Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ng makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay sapagkat walang taong nag iisa sa mundong ito mga makakasama mo sa paglalakbay. Una paglalakbay kasama ang kapwa dahil sa buhay ng tao natural ng may kasamang tao o kapwa bigyan ng halaga ang mga kasamang tao sa ating buhay o lugar sapagkat ang bawat isa ay may resposibilidad  na haharapin  sa isat isa kaya kahit ano pang gawin mo may paninindigan tayo sa isat isa sa ayaw mo man o sa gusto. Bilang isang mabuting tao. Ikalawang paglalakbay kasama ang Diyos. Ang Diyos ay laging  nandyan na makakasama natin sa mga problema o pagsubok , na tutulong sa atin sa buhay bigyan natin ng pagmamahal ang Diyos sapagkat sa mundong ito ang Diyos lang ang dapat  na pinakamamahal natin dahil ang pag-ibig ng Diyos ay walang kapantay ipaubaya natin sa Diyos ang ating mga buhay upang makasiguro tayo laging ligtas. Ang buhay natin ay nasakanyang mga kamay. Magkaroon tayo ng mataas na pananampalataya, laging sundin ang mga nais nya. Magtiwala at mamangha sa kanya. 
      Ngutin tandaan hindi sa lahat ng oras ay magiging maayos o maganda ang paglalakbay natin, maaaring maraming beses na tayo ay madapa, maligaw, mahirapan, at masaktan ngunit ang mahalaga ay huwag tayong bibitiw o lalayo sa ating mga kasama sa paglalakbay. Ang barayti ng wikang ginamit ko ay IDYOLEK sapagkat sariling wikang ang aking ginamit. At ang tungkulin ng wikang ginamit ko ay Personal,Heuristik, at Informativ.


Ang Angkop Bilang Makatarungan

                             Ang Angkop Bilang Makatarungan
 

Image result for Ang Angkop Bilang Makatarungan
     

       Ang paggawa nang hindi ayon sa angkop ay nagbubunga ng pagkasira. Sinisira nito ang kaayusan ng sarili, kapuwa, at kapaligiran gawa ng pagmamalabis. Kawalan ng katarungan ang tawag sa pagkasirang ito. Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng katarungan, subukin nating pagmunihan ang salitang “tarong” o “tarung” sa bisaya na tila salitang ugat ng “katarungan” Ang “tarong” tulad ng sa kasabihang “Magtarong gyuka” ay nangangahulugang “umayos,” “magmatino” “magpakabuti.” Saklaw ng salitang “tarong” ang iba-ibang antas ng kabutihang pinag-aaralan na sa mga naunang baiting ng Edukasyos sa pagpapakatao. Ang paglalagay sa ayos sa likas na batas moral, at ang makataong pakikipag kapuwa. Sa makatuwid, ang pagiging makatarungan (makatarung-an) ay pagpanig sa kabutihan paglagay sa ayos, at pagiging matino sa pag-iisip at pakikiugnay. Para ring sinasabi ng “Magtarong gyud ka!” na maging makatarungan ka! Ito ang pinaka angkop na bunga ng pag-aangkop na magagawa ng tao.
      Ang paggawa ng tama ay nararapat lamang sa tao. Natural lamang ito dahil nang galling tayo sa Diyos. Karaniwan sa mga taong nakakagawa ng kamalian o kasalanan ay mga mangmang sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa at tama. Mga tumutulong upang magkaroon tayo ng kaalaman. Una ang pamilya natin sapagkat sa pamilya nag uumpisa ang lahat ng kaalaman ng tao, at ugali ikalawa Paaralan sapagkat may mga gurong magtuturo sa atin upang magkaroon ng kaalaman ang mga guro rin ang tumatayong mga magulang ng mga estudiyante kapag tayo ay na sa paaralan. Ikatlo Simbahan sapagat ang simbahan ay tahanan ng Diyos at ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng kaalaman sa araw-araw na buhay
      Ang barayti ng wikang ginamit ko ay IDYOLEK sapagkat sariling wikang ang aking ginamit. At ang tungkulin ng wikang ginamit ko ay Personal,Heuristik, at Informativ.